Ilang pag-aaral ang nagpapatunay na mapagmahal sa mga hayop ang Ancient Romans.
Hindi lamang nila ito itinuturing bilang alaga dahil gaya nating mga Pilipino, pamilya rin ang tingin nila sa mga ito.
Noong unang panahon, pangkaraniwang alaga ang aso, pusa, songbirds, parrots, unggoy, pagong, at snake.
Ang ibon ang pinakapaboritong gawing pet ng mayayamang Romans at kilala sila sa pagkahilig sa bibe, gansa, manok, at iba pa. Ang mayayamang lider din nila noon ay nagpapakuha pa ng litrato kasama ang kanilang mga hayop.
Ayon sa Roman historian na si Suetonius, ahas daw ang alaga ni Emperor Tiberias.
Ang Roman poet at historian naman na si Catullus ay may tula pang sinulat na tungkol sa namatay niyang maya.
Nag-aalaga rin daw ang Ancient Romans ng weasel, pusa, at ahas para makaiwas sa pagdami ng daga.
Samantala, sa ancient Egyptians naman ay mahilig mag-alaga ng aso, pusa, iba’t ibang klase ng unggoy, isda, malaking ibon gaya ng falcon, lion, at hippopotamus.
Sacred animals naman para sa kanila ang buwaya na inilalagay pa sa temple.