‘Loch Ness Monster’ Nakitang Lumalangoy sa Isang Ilog!

Ang Loch Ness Monster o mas kilala sa tawag na ‘Sea Nessie’ ay isang ancient creature mula sa Scotland.

Meron itong mahabang leeg na madalas makitang nakalitaw sa karagatan o ‘di kaya naman ay sa mga ilog. Malaki rin ang katawan nito at merong palikpik na kanya namang ginagamit sa paglangoy.

Nagsimula ang haka-haka tungkol sa nasabing halimaw noong 1933 hanggang ngayon, pero hindi pa rin napapatuna­yan kung ito ba talaga ay totoo.

Meron lang itong ma­ngilan-ngilang larawan at videos pero karamihan daw sa mga ito ay hoax o gawa-gawa lamang ng teknolohiya at malawak na imahinasyon ng mga tao.

Ganunpaman, kama­kailan lang ay may isang babaeng nagsasabing nakakakita raw siya ng Loch Ness sa isang ilog habang nagmamasid sa kanyang live webcam.

May napansin daw kasi siyang gumagalaw sa ‘di kalayuan at napansin niya ang mahaba nitong leeg. Saglit lamang itong nagpakita at nawala rin daw. Doon niya na kinumpirma sa sarili na isa nga itong Loch Ness Monster.

“It popped up and down – and kept doing it. It kept splashing about. It was quite a size – the size of a boat but it was hard to tell because it was the other side of the loch,” pagkikuwento ng babae. ayon pa sa kanya, natakot daw siya nung una pero agad napalitan ng excitement dahil matagal na raw niya talagang gustong makakita ng ganito.

Ito raw ang pinakamagandang regalo na natanggap niya ngayong Pasko.

Show comments