Abot-Kamay Body Scrub
Kakaunti lang ang nakaka-afford na magpunta sa spa para makapagpamasahe at makapagpahilod ng buong katawan o ‘yung tinatawag na body scrub.
Walang dapat alalahanin dahil abot-kaya na ito.
Kailangan lang ng kalahating tasa ng olive oil at ¼ cup ng sea salt.
Paghaluin itong mabuti at saka ihilod at gawing pangmasahe sa katawan ng ilang minuto.
Pagkatapos nito ay banlawan lang ito ng malamig na tubig.
May antioxidant, antibacterial, at nakakalambot ng kutis ang olive oil samantalang nililinis naman nang mabuti ng sea salt ang balat.
Bukod sa nakamura ka na, nakatitiyak pang wala itong chemical.
Maganda rin itong bonding sa sarili at maging sa inyong mahal sa buhay.
- Latest