Negative energy ang nangingibabaw sa tahanang walang katahimikan. Kapag ganito ang sitwasyon, madalas ay relasyon ng mag-asawa ang naaapektuhan. May mga paraan upang mapalayas ang negative energy sa inyong bahay partikular sa bedroom:
1--Ibilad lagi sa araw ang mga unan na ginagamit sa pagtulog. Gawin ito once a month.
2--Iwasang maglagay ng lumang damit, libro, album o anumang personal na gamit sa ilalim ng papag.
3--Mag-spray ng tubig sa paligid ng kuwarto para manatiling fresh ang hangin na umiikot sa bedroom.
4--Gumamit ng yellow color sa southwest.
5--Maglagay ng tubig sa timba. Ibilad ito sa full moon magdamag. Ang tubig na ibinilad sa liwanag ng buwan ang mainam na gamitin sa paglilinis ng bedroom. Mas lalong maganda kung hahaluan ito ng pitong klase ng bulaklak. Ito ang makapagpapaningas ng pag-ibig sa mag-asawang kapwa nanlalamig na.