Babaerong mister, kailangan ng leksyon

Dear Vanezza,

Isa akong misis na namomroblema sa  mister ko na masyadong mahilig sa babae at kahit bayaran ay pumapatol siya. Nahawahan na niya ako ng sakit sa babae. Nag-away kami pero nang humingi siya ng tawad at nangakong magbabago ay pinagbigyan ko siya. Yung katulong namin pinapatos niya. May kabit siya ngayon na inoobliga siyang mag-intrega ng sahod samantalang kulang pa sa amin ng mga anak niya. Sagad na ako talaga sa kanya.

Ano ang gagawin ko? Dapat ko na ba siyang hiwalayan? – Zeny

Dear Zeny,

Puwede ka ng mag-report sa DSWD o barangay upang bigyan siya ng leksyon. May batas na ngayon tungkol sa mga kababaihan na sinasaktan hindi man physically kundi mentally, emotio­nally, o financially. Upang magtanda ang babaero mong mister.

Sumasainyo,

Vanezza

 

Show comments