‘Zepetto’ Konektado sa Deep Web?!
Nauuso na ngayon ang iba’t ibang uri ng online games, chat applications, dating site, at kung anu-ano pang puwede mong mapaglibangan sa cell phone basta meron ka lang na Internet.
Sa social media site na Facebook, parami nang parami ang nagsi-share ng kanilang karanasan sa online application na Zepetto, isang online games kung saan gagawa ka ng 3D animated version ng iyong sarili na puwede mong ihalubilo sa iba pang gumagamit ng nasabing application na may sarili ring character.
Ikinuwento ng isang babaeng hindi nagpakilala ang nangyari sa kanya nang subukan niyang burahin ang Zepetto. Natotorete na raw kasi siya sa rami ng notifications nito na hindi naman mawala wala kahit na ito’y buksan kaya naman agad niya itong binura. Kinabukasan, nagtataka siya dahil bumalik ang nasabing application at may natanggap siyang text message mula sa isang hindi kilalang number na may nakalagay na “why did you uninstalled it?” hindi niya ito pinansin, pero text pa rin daw ito nang text. Dumating na raw sa punto na, nagsasabi na ito na alam niya ang tirahan ng babae at nagbigay babala na mag-ingat. Hanggang sa nabasa niya sa isang site na ang Zepetto raw ay konektado sa Deep web na malalaman ang lahat ng tungkol sa iyo sa oras na kumonekta ka sa kanila. Agad na binura ng babae ang kanyang account at pinalitan ang mga information na inilagay sa nasabing laro.
Hindi na muli pang ginambala ng misteryosong texter ang biktima.
- Latest
















