Habang nagkakaedad ang mga babae, mas nae-enjoy ang sex. Maraming bagay na kinatatakutan kapag nagkakaedad na ngunit walang dapat ikatakot pagdating sa sex life.
Sex sa Nagkakaedad - Ayon kay Debby Herbenick, Ph.D., research scientist at Indiana University at author ng Because It Feels Good, kapag nagkakaedad ang mga babae, ang quality at frequency ng orgasm ay nag-i-improve.
Base sa isang survey, 61% ng mga babaeng may edad 18-24 ay nag-orgasm nang huli silang makipag-sex, 65% ng mga babaeng edad 30s ang successful sa kanilang huling sexcapade.
At 70% naman sa mga edad 40 at 50s ang nakaabot sa glorya. Ayon kay Dr. Herbenick ito ay dahil posibleng ang mga may edad na babae ay sexually experienced, mas confident sa pakikipag-sex at hindi natatakot sabihin ang gusto nila.
Posible ring dahilan ang pagkakaroon ng tiwala at intimacy kung nasa long-term relationship kaya mas relax ang babae.