Tips sa paggamit ng kulay

Kung may isinasagawa kang ritwal o spell na pampasuwerte, mainam na magsindi ng kandilang kulay magenta. Nakasindi ito habang nagriritwal ka. Nakakabilis ito ng effectivity.

Ang kulay orange ay nakakapagsigla ng kalooban at nang-aakit ng material na kasaganaan. Subukang gumamit ng orange na kurtina sa salas, magsuot ng damit na orange o kandilang orange ang sindihan kung magdadasal.

Magsuot ng accessories na yari sa: orange jade, carnelian, orange calcite, red jasper.

Ang pagsusuot ng damit na kulay purple ay nagdudulot sa “wearer” ng sense of dignity, self-respect at kumpiyansa sa sarili.

Ngunit kung napapansin mong madalas ka nang makipagtalo sa kahit kaninong tao, iwasan naman ang red at sa halip ay gamitin ang mga kulay white, mauve, green at blue.

 

Show comments