Mayroong stripes na maihahalintulad sa isang zebra at hugis ng kagaya sa isang aso ang Thylacine o mas kilala sa tawag na Tasmanian tiger.
Ito ang pinakamalaking carnivorous marsupial of modern times.
Native ito sa continental Australia, Tasmania, at New Guinea
Noong twentieth century, tinawag itong “vampire dog” dahil sa naglabasang ebidensya na umiinom daw ito ng dugo.
Matagal ding nag-survive ang nasabing specie sa Tasmania ngunit naging extinct (tuluyan nang nabura sa mundo) dahil sa pangangaso at kunalat na sakit ayon sa History Channel.
Ang huling Tasmanian tiger na namatay sa Tasmania’s Hobart Zoo noong 1936.
Ganun pa man, may ilang lokal na residente sa isang gubat ng Tasmanian ang nagsasabing nakakakita pa rin sila ng Tasmanian tiger pero hanggang ngayon ay wala pa ring ebidensya.