Paano maiiwasan ang pagkapanot?

Isa marahil sa pinakaki­nakatakutan natin sa pagtanda ay ang pagkakalbo o pagkapanot. Mahirap iwasan ito lalo na kung nasa lahi n’yo ang maninipis na buhok. Ang iba ay nagkakaroon ng hair fall o unti-unting pagkalagas ng buhok dahil sa sakit, hormones, o stress sa katawan.

Ngayon pa lang, dapat alamin na kung ano ba ang tamang pag-aalaga sa ating buhok.

Ugaliin ang pagmamasahe sa anit. Pwedeng gumamit ng castor oil, coconut oil o olive oil. Kumunsulta muna sa doctor kung ikaw ay may allergy bago gumamit ng mga nasabing oil.

Pangalawa, i-relax ang sarili at umiwas sa stress. Ang ugat kasi ng ating buhok ay nakakaramdam ng stress o tension, para maibalik ang hormonal balance, pag-aralan kung paano mo maiiwas ang sarili sa stress. Isa pa na dapat ugaliin ay ang tamang pagsusuklay. Gumamit ng suklay na malaki ang pagitan ng mga ‘ngipin’ at dahan-dahan lang para hindi mapwersa ang buhok.

Ugaliing mag-shampoo ng tatlo hanggang apat na beses araw-araw dahil mas healthy ito sa buhok.

Show comments