Biyenan ayaw sa buntis na manugang
Dear Vanezza,
Maaga kami nagpakasal ng mister ko napilitan akong huminto sa pag-aaral dahil sa nabuntis ako. Gusto niya ay makipisan kami sa kanila dahil maliit lang ang suweldo ng asawa ko. Ayaw ko naman makituloy sa kanila dahil sa pagsusungit ng biyanan ko sa akin. Hindi ako makatiis sa pangit na trato sa akin ng nanay niya. Ayaw kong ma-stress lalo’t buntis ako. Buti na lang ay supportive ang magulang ko kaya nasa bahay kami ngayon. Pero siyempre nahihiya ang mister ko sa parents ko. Kinukulit niya akong umuwi sa bahay nila eh ayaw ko. Ano ba ang gagawin ko? - Clarisse
Dear Clarisse,
Baka puwede kayong mangupahan sa murang bahay lamang. Hindi naman kailangan malaking bahay. Kahit maliit na kuwarto lang ay puwede na basta mayroon kayong sariling matutuloy at magkaroon ng privacy na mag-asawa. Iba pa rin ang nakabukod para hindi kayo nakikisama sa mga biyenan at ibang tao. Huwag kang mag-alala dahil magbabago rin ang tingin ng iyong biyenan kapag nakita ang apo niya kapag panganak mo.
Sumasainyo,
Vanezza
- Latest