Ang pinakamalaking hayop na naninirahan sa mundo ay ang blue whale.
Ang dila ng isang blue whale ay puwedeng tumimbang ng kasing bigat ng isang elepante. Ang kanila namang puso ay umaabot sa laki at bigat ng isang sasakyan.
Narito ang ilan sa mga nakaka-aliw at nakakamanghang katangian ng mga whale.
Tanging ang killer sharks lang daw ang nangangahas na umatake sa mga blue whale.
Nangangalap sila ng makakain sa pamamagitan ng pagda-dive ng hanggang 500m ang lalim.
Madalas mapag-isa ang mga whale na ito o kung minsan ay dalawa lang sila sa paglangoy.
Isang beses lang nanganganak ang mga babaeng blue whale sa loob ng isang taon. At manganganak naman sila pagkatapos ng 11-12 na buwan.Nakakaramdam ng emosyon ang mga whale.
Madalas na sanhi ng kanilang kamatayan ang aksidenteng pagkakatama sa malalaking barko.