Malamig na ang simoy ng hangin at dama mo na ang papalapit na ang pagdating ng Pasko na isa sa mga nami-miss na okasyon ng mga overseas Filipino workers.
Pero marami ring OFW ang nadadala o nagsisisi na magbakasyon tuwing December na isnusumpa ang kanilang pag-uwi sa maraming kadahilanan.
Hindi lang ang mga immediate at extended family ang kanilang aalalahanin, kundi ang mga demanding na kapitbahay na nanghihingi ng pasalubong, regalo, at pera. Inaakala ng mga kumpare, kaklase, at kaibigan na bukod tanging mga OFW lamang ang kanilang takbuhan para hingian at utangan ng pera. Hindi nauubusan ng rason ang mga nakapaligid sa OFW para gawing ATM machine ang mga balik-bayang Pinoy.
Sa malas, marami nang OFW ang nagpasya na huwag na lang magbabakasyon tuwing kapaskuhan upang makaiwas sa mahabang pila at susulpot na tao bilang self-proclaim na ng mga inaaanak upang manghingi ng aguinaldo. Nagtitiis na lamang ang mga OFW na huwag munang makasama ang mga pamilya kahit Pasko.