Bumaba sa Spiral na Hagdan

Panaginip: Married na ako pero sa panagi­nip ay may boyfriend ako. Masayang-masaya ka­ming naglalakad na magka-holding hands.

Tinitingnan kami ng mga tao, siguro ay nagtataka sila kung bakit kami masaya. Pagkatapos ay nagkahiwalay kami dahil may humahabol sa akin na hindi ko makita kung sino.

Nagtatakbo ako pababa sa spiral na hagdan. Sa eksenang iyon nagtapos ang panaginip ko.---Wednesday

Interpretation: I think hindi ka masaya sa kasalukuyan dahil sa magulo mong sitwasyon. Ito ang ipinahahayag ng pagbaba mo sa spiral na hagdan.

Pero sa kabila ng lahat ay pinipilit mong maging masaya ang iyong buhay.

Show comments