Tigang at Nangangalabit na Classmate

Dear Vanezza,

Nainis ako sa pag-attend ko sa high school reunion namin kamakailan. Okey lang biruin ako sa dati kong GF na classmate namin. Pero ngayon ay single mother na siya dahil sa naghiwalay sila ng asawa niya. Ang hindi ko ma-take ay gusto niyang may mangyari sa amin at maging mag-on kami uli. Kasalanan ko ba kung tigang siya, pero hindi ko ipagpapalit ang masaya kong buhay kasama ang misis at mga anak namin. Tama ako ‘di ba? – George

Dear George,

Hanga ako sa katulad mong naninindigan sa tama at hindi nagpapadala sa tukso. Sana ay dumami pa ang katulad mo na pinapahalagahan ang pagsasama ng iyong misis at iniisip ang kapakanan ng iyong pamilya. Mabuhay ka at patuloy na protektahan ang iyong mag-iina.

Sumasainyo,

Vanezza

Show comments