Mindset Tungkol sa Pag-iipon

Ang pagpapayaman ay higit pa sa pagtaya sa isang numero sa lotto na suntok sa buwan dahil hindi ka naman nananalo. Ito ay tungkol kung paano sasanayin ang brain na maging habit na makapag-ipon na gawing natural na ang savings sa kabuuan o  hindi na masyadong masakit na maglaan ng pera para sa future. Kahit sino ang gustong magtabi ng pera ay nagsasabi na hindi ito madaling gawin, na hindi basta puwedeng baguhin ang behavior na automatic na ilagay sa isang sobre ang iyong savings.

Minsan kailangan pang maging wais na mag-“cheat” upang matulungan ang proseso sa isipan ng pagkakaroon ng mindset tungkol sa pag-iipon. Kailangan pa ng mental tricks upang mapabilis ang pag-save para sa financial security balang araw. Gaya ng nakahandang sobre o pagbubukas ng account sa bangko, o paghulog sa paluwagan upang gawing habit na agad na itabi ang portion ng pera na nakalaan lamang para sa savings. Hanggang makasanayan na itong gawin bilang habit na pagtabi ng pera, susunod na rito ang pagtitipid sa gastusin at magpokus sa limited na budget lamang. Naka-set na sa isip na hindi ka puwedeng gumastos dahil alam mong mayroong kang pinaglalaanang savings.

Show comments