Anak Kinakahiya ang Batugan na Tatay

Dear Vanezza,

One year nang nakauwi si tatay mula sa Saudi. Gusto niya uling mag-abroad pero hindi pa siya uli makaalis. Ang problema ay ayaw niyang magtiyagang magtrabaho rito sa ‘Pinas kahit sana habang naghihintay siya ng pagkakataon na makaalis. Kami ni nanay ang nahihiya sa paghingi niya sa mga tita at tito ko para sa mga gastusin namin dito sa bahay. Sabi nga ni nanay may pamilya rin ang mga kapatid ni tatay. Tapos panay ang tambay at pagsusugal ang inaatupag. Sana hindi na lang bumalik si tatay mula sa Saudi kung alam lang sana namin na ganito rin ang gagawin niya sa ‘Pinas. Paano na ang buhay namin? – Lito

Dear Lito,

Bakit hindi pakiusapan ng nanay mo ang mga bayaw at hipag niya na tiisin na huwag silang magbigay ng pera upang mapilitan magtrabaho ang tatay mo. Malakas ang loob ng tatay mo dahil alam niyang mayroong tumutulong sa kanya.

Sumasainyo,

Vanezza

Show comments