Narinig mo na ba ang ‘rolling resistance?’ ang ibig sabihin nito ay ang friction ng gulong sa kalsada.
Para makatipid sa gas, kailangang mas mababa ang ‘rolling’ resistance ng gulong. ‘Pag mababa ang resistance, mababa ang friction, nababawasan ang gamit sa gas. Mas mababa ang rolling resistance kung tama ang hangin ng gulong. Kailangan i-check ang hangin ng gulong kung bumaba ang temperatire dahil nababawasan ang hangin ng gulong.
Magpalinis ng sasakyan - Magpalinis ng sasakyan para mabawasan ang excess weight sa sasakyan. Tanggalin ang mga bagay-bagay na hindi kailangan sa sasakyan para mabawasan ang bigat nito. Iwasang mag-iwan ng gamit, ang mga abubot sa sasakyan ay nakadadagdag ng bigat at kokonsumo ng gas.
Maintenance - Kailangang regular na nagpapalit ng langis, filter, at laging nagpapa-tune-up para laging maayos ang pump para makatipid sa gas. Sa pagpapalit ng filter, nag-i-improve ang engine performance at bumababa. Tumataas din ang gas mileage kapag gumagamit ng tamang grade ng langis. Sa pagpapa change-oil, mas nakakatipid. Ang simpleng tune-up ay nagpapataas ng gas mileage ay 4%. Sa regular maintenance, mas nakakatipid sa gas.