Pagkaing Hindi Pwedeng Ilagay sa Freezer

Walang masama kung ilalagay sa freezer ang paborito ninyong yogurt.

Katunayan, hindi na­mamatay ang healthy live at active cultures na taglay nito kapag ito ay inilagay sa freezer. Pero ang bad news, mawawala ang pagiging creamy nito at sa halip ay magbubuo-buo.

Nauuso kasi ngayon ang fro-yo o yung frozen yogurt kaya hindi maiwasan na gayahin ito ng iba. Mas marami kasing tubig ang regular na yogurt kumpara sa mga fro-yo stores na ito ang specialty.

Ilan pa sa mga pagkaing hindi dapat ilagay sa freezer ay ang sariwang gulay, soft cheese, itlog, pritong pagkain, gatas, patatas, at pasta.

Show comments