Ang mga taong laging conscious sa kanilang pitaka na bago mag-shopping ay dapat may tatlong bantayan: ang budget, buddy, at isang relo. Ang budget ay paraan kung magkano lamang ang dapat gastusin at ma-afford na puwedeng bilhin ng cash. Kung mayroong credit card, siguraduhin na mag-set ng maximum na kayang bayaran sa loob ng dalawa o tatlong buwan. Ang buddy na kasama ang dapat na magpaalala o bigyan ka ng reality check ang iyong limited na budget. Magandang mag-partner sina misis o mister na dapat tuwing mamimili ay magkasama upang pigilan ang isa na huwag mag-overspend na pigilan ka rin na huwag mangutang. Ang role rin ni partner na ilabas ka sa store once na na-hit mo na ang iyong limit. Sabi nga nila hindi lang romantic na mag-holding hands ang mag-partner sa loob ng mall, kundi ito ay higit na economical din. Para mapigilan ang mga babae na huwag gumastos sa loob ng stores.
Samantalang maaaring mabutas ang iyong wallet at credit card kapag nagtagal pa sa loob ng mall o shopping lalo na kung may sales ang mall. Sa halip ay limitan ang oras sa pag-iikot kaya mag-set ng timer. Puwede rin i-set up ang ring tone na verbal tone na maririnig na magsasabi ng “times up”. Maaaring isa o dalawang oras lamang bilang paalala na tapos na ang iyong pagsa-shopping sa loob ng mall.