Mga Pangitain sa Katawan ng Babae
Part 1
• Masuwerte ang brasong walang balahibo, makinis, malambot, maganda ang hugis, hindi mataba, hindi payat, tama lang ang size.
• Malas ang brasong maikli.
• Magiging miserable ang buhay kung maugat ang braso.
• Magiging mababaluhin (widowhood) o napapahiwalay sa asawa ang babaeng mabalbon ang braso
• Nagdadala ng suwerte ang pusod na malalim.
• Kung mabalbon ang baywang, palatandaan ito na mabilis matukso ang isang babae sa tawag ng bawal na pag-ibig.
• Magiging mayaman ang babae kung malaman ang kanyang likod at mahaba ang backbone. Masuwerte rin ang tuhod na malaman.
• Magtatagumpay sa buhay ang babaeng may mamula-mulang paa, katamtaman ang size, malaman, maganda ang hugis.
• Matigas ang ulo ang babaeng mas mahaba ang second toe kaysa hinlalaki pero siya ay yayaman.
• Magiging matandang dalaga kung sobrang maikli ang second at third toe.
• Mayaman ang mapapangasawa kung bilugan ang mga daliri sa paa.
Itutuloy
- Latest