Survival Manual ng mga Kabit

Akalain bang may libro para sa mga kabit na ang title ay The Mistress’ Survival Manual? Iniisip ng mga tao na kapag mistress ay yung mga babaeng nakasuot ng seksi na maiikli at hapit na damit na nakahiga sa satin na kumot.

Hindi lang magaganda at seksi ang mga kabit, sila rin ay extreme na maga­ling makinig sa mga humutok at reklamo ng mga lalaki o mister sa kanilang mga misis.

Saan ba nagsisimula ang affair? Ito ay mula sa isang taong nasaktan ng kanyang partner na nakahanap ng ibang babae na willing makinig sa kanyang pagkadismaya o problema. Nawiwili na sila sa pag-uusap, kuwentuhan, nagtatawagan, nagti-text, hanggang naghahangad na makasama ang isa’t isa. Nahu hulog at nahuhumaling na si mister sa “friendship” kuno ay nauwi na sa bawal na relasyon.

Tandaan, ang pinakamagandang regalo na maibibigay sa asawa, misis, o mister ay pangako na magiging good listener upang huwag mahiwalay mula sa distraction o tukso. Basta makinig lang at unawain na tiyak na kailangan ng iyong asawa ang isang “extremely good listener” upang hindi na niya ito hanapin sa iba.

Pag-usapan kung paano makikinig sa partner upang mahamon na maging matalas ang listening skills para sa inyong mister.

Show comments