Nobyong Hadlang sa Goals ng GF

Dear Vanezza,

May BF ko na gusto niyang magpakasal na kami, pero gusto ko pang makatapos ng kolehiyo. Kung hindi raw ako papayag ay maghiwalay na kami. Gusto ko pang makatulong sa mga magulang at mga kapatid ko. Mahal ko ang BF ko, pero iiwanan na lang daw niya ako at maghahanap ng babaeng handa siyang pakasalan. Ano ba ang gagawin ko? – Ms. Heart

Dear Heart,

Kung hindi siya suportado sa iyong goals malamang ay hindi rin kayo magiging masaya bilang mag-asawa. Kung pinipilit ka niyang magpakasal ay hindi ito magtatagumpay. Dahil ang pag-iisang dibdib ng dalawa ay dapat na bukal sa iyong kagustuhan.

Sumasaiyo,

Vanezza

Show comments