Role model at inspirasyon para sa iba
Sino ang mga taong pinakamahalaga sa buhay mo? Sino ang naka-impluwensiya sa iyo? Ang iyong magulang, teacher, coach, o kaibigan?
Tiyak hinamon ka nila upang mag-level up sa iyong skills ngayon. Tandaan ang mga taong nagmamalasakit sa iyong character at binibigyan ka ng inspirasyon upang magkaroon ng solid na standard, devotion, at magkaroon ng commitment.
Ang bottom line upang maghanap ng noble at pure na virtues na mga tao.
Gaya ng hamon sa lahat ng mamamayan na maging malinis sa loob at labas ng pagkatao. Laging igalang ang mga mayayaman, ngunit huwag ibaba ang mga mahihirap. Okey lang ang mawalan na hindi nagrereklamo. Manalo nang hindi nagyayabang. Laging ingatan ang mga babae, bata, at matatanda. Maging matapang. Mapagbigay sa ibang tao. Mag-share ng blessings sa buong mundo.
Lahat ay naghahanap ng model na gagayahin upang natututong hindi maging makasarili at ibahagi rin naman sa ibang kapwa ang kabutihan at hamon na natanggap nila.
- Latest