May sapat na rami ng Vitamin E na matatagpuan sa mangga, almonds, broccoli, at spinach.
Nakatutulong ito para sa paglago ng cell/tissue upang mapalitan ang magaspang na balat ng malambot at mala-porselanang kutis.
Hindi mapipigilan ang pagdami ng kulubot sa muka na dulot ng pagtanda pero may paraan upang mapabagal ito.
Nakatutulong ang pagkain ng mga gulay na kulay dark green ang kulay (halimbawa: spinach, kamote, lettuce, alukbati, broccoli, at iba pa) upang mapabagal ang pagsulpot ng mga kulubot sa mukha.
Para sa namumugtong mga mata, ilagay sa mata ang pipino pinalamig ng magdamag sa freezer. Mainam din ang paglalagay ng malamig na kutsara at teabag sa mata ng hindi bababa sa limang minuto.
Para sa taghiyawat sa mukha, makatutulong ang paglalagay ng fresh na aloe vera sa apektadong bahagi.
Mayroon itong anti-inflammatory properties na siyang responsible para ‘wag lumalala ang nakakairitang acne sa mukha.
Dahil sa mataas na beta carotene level ng carrots at maging sa taglay nitong Vitamin A, epektibo ito sa pagpapaaliwalas ng iyong aura.