Hayop na nagluluksa

Isa ang elepante sa mga hayop na alam nating mas madamdamin kesa sa ibang hayop. Nakitaan din sila ng ugali ng pagluluksa at pagdadalamhati.

Taong 2012 sa Botswana, nasaksihan ng biyaherong si John Chaney kung paano pinagluksa ng mga elepante ang kanilang kasamahan.

Namangha si John nang palibutan ng mga elepante ang isa pang elepante na wala nang buhay. Tumagal daw ito ng ilang oras.

Nasaksihan din niya ang pagtaboy ng mga ito sa ibang predators na gustong kainin ang labi ng kanilang kaibigan.

Nakuhanan pa ni John ng litrato ang isang elepante na dinidikitan ng kanyang trunk ang tusk ng namayapang elepante na isang paraan ng pamamaalam.

Show comments