Mister na walang silbi

Dear Vanezza,

Nakalulungkot na iniwanan na ako ng aking misis na sumama na sa isang tomboy. Pagod na raw siya sa akin. Galit na galit ang misis ko dahil wala raw akong silbi. Ano ba ang magagawa ko kung lagi akong nagkakasakit kaya natatanggal ako madalas sa trabaho. Pati ang anak namin na 16 years old na babae ay apektado na ayaw sumama sa kanyang nanay. Ano ba ang magagawa ko kung ayaw na niya sa akin. Pero hindi ko maiwasang mabuwisit. Ano ba ang gagawin ko? – Luke

Dear Luke,

Ano nga ba ang magagawa mo kundi ang magpa­katatag para sa inyong anak. Pilitin mong magpagaling at muling bumangon para sa iyong anak. Huwag kang mawawalan ng pag-asa. Bilog ang mundo hindi laging talunan ang tao, kundi umiikot din tulad  ng kapalaran gaya ng gulong ng buhay.

Sumasainyo,

Vanezza

Show comments