Pag-aalaga ng dibdib
Hindi maiiwasan na hindi lumawlaw ang boobs nating mga kababaihan. Ilan sa mga dahilan nito ay dahil sa katandaan o sa panganganak pero huwag mag-alala dahil kahit gaano pa kalaki ang inyong ‘hinaharap’ ay maraming paraan para ito ay tumambok.
Narito ang ilan:
1. Malamig na tubig – Nakatutulong ang pagligo sa malamig na tubig para mas maging firm ang inyong boobs. Kung hindi n’yo naman kaya ay pwede n’yo na lang pahiran ng malamig na towel ito.
2. ‘Wag kukuba – Nawawalan ng importansiya ang inyong dibdib kapag kayo ay kumukuba dahil nagmumukha itong maliit. Idiretso ang inyong likod dahil maganda rin ito upang ma-improve ang inyong posture.
3. Mamili ng tamang bra – ‘Wag piliin ang mga bra na nagbibigay ng pressure sa inyong boobs. Dapat kayo ay relax pero naaalalayan ng tama ang inyong boobs.
4. Gumamit ng sportswear kapag nag-eehersisyo – Maaaring may masirang soft tissue kung hindi gagamit ng sportsbra kapag nag-eehersisyo.
- Latest