Pinakamahalagang tao sa buong mundo

Mayroong simpleng practice na nakatutulong upang makita ang kahalagahan ng mga anak bilang human beings. Ang practice ay pagtuturo ng respeto sa mga anak na ipaalam sa mga bata kung gaano sila kamahal at importante sa buhay ng mga magulang. Nakikita ng mga bata at nararamdaman kung tunay ang trato sa kanila ng mga parents.

Tandaan, itrato ang mga bata na silang pinaka-importanteng tao sa buong mundo. Kung paano mo trinatrato ng maganda ang iyong mga kaibigan, dapat mas higit pa rito ang pakikitungo sa mga bata. Kung gustong maramdaman ng mga anak na sila ay highly value, ipadama sa kanila na ang mga bata ang pinakamahalagang tao sa iyong buhay.  Huwag kalimutan na respetuhin ang mga bata, hindi yung komo galit si nanay at tatay ay sesermonan na ang anak nang walang pakundangan ng pagsasabi ng mga masasakit na salita.

Ang resulta, nababasag ang kalooban ng mga bata dahil sa pangit at kawalan ng respeto sa mga anak.

Show comments