Gemini:
Kahit mahilig makipagtalo, ang Geminian ay magaling magpayo at maaasahan sa oras ng pangangailangan. Nagiging mahusay silang detectives at journalist. Mahilig mag-worry ang mga Geminian kaya ito ang nagiging dahilan ng paghina ng kalusugan. Kadalasan ay hindi kasundo ng Geminian ang kanyang ama. May pagkakataong nagkakaroon siya ng bawal na pag-ibig.
Ayaw ng lalaking Geminian ng asawang dominante. Kapag nabisto niyang may ganitong ugali ang kanyang misis, hindi siya magdadalawang isip na makipaghiwalay. Compatible sila sa Libra, Aquarius, Aries, at Leo. Ang Geminian lady ay matalino kaya’t gusto niyang magtrabaho kahit pa may anak at asawa na siya.
Masuwerte sa kanila ang Lunes, Miyerkules, Huwebes at Biyernes. Dumarating ang mga problema sa Martes at Sabado. Magandang isagawa ang paglalakbay sa di kalayuang lugar kapag araw ng Linggo. Ka-vibes ang number 7 at 3. Hindi kasundo ang 4 at 8. Nagdadala ng suwerte ang yellow, purple, blue, green at pink. Iwasan ang pula at itim.