Risk Factor ng Pagiging Guarantor
Ang guarantor ay pagkakataon sana na matulungan ang isang kakilang tao. Ang guarantor ang magsisilbing third party sa hinihiling nitong loan sa isang kompanya.
Ang problema kadalasan ang hinihiling na favor para sa kaibigan o miyembro ng pamilya na imbes na maging investment ay nauuwi sa mga masaklap na risk.
Nakakatukso na maging co-borrower ng kahit ng mga anak, pero kailangang maging aware sa negatibong disadvantages bilang guarantor.
Ang nakakatakot na sitwasyon ay walang nakasisiguro ng sariling future. Lalo na hindi natin alam kung anong puwedeng mangyari sa mga taong ginagawa kang guarantor. Kaibigan, colleagues, kahit pa miyembro ng pamilya. Anoman ang dahilan ng hindi nila pagbabayad sa utang, ang problema ikaw ay legal na nakapirma na siyang papasan sa kanilang responsibilidad.
Kaya marami na ang naghiwalay na mag-partner, mag-asawa, at magkakaibigan na nasira ang pagtitiwala dahil lamang sa pagiging guarantor. Ang masama pa dahil sa bad credit history ng taong co-borrower ay ikaw na ngayon ang hahabulin ng bangko, company, at grupo upang bayaran ang mga due dates. Plus interests sa kanilang inutangan. Puwedeng itanong sa bangko kung maaaring tanggalin na ang loan. Pero depende sa laki ng amount na babayaran. Kadalasan ang bangko ay legal na entitled na nagsasabi ng “no” hanggang malinis na mabayaran ang bawat sentimo ng loan mula sa guarantor.
- Latest