“Sa araw syempre kasi sa araw kumpleto pa ang lakas mo... Mas maganda rin dahil nakikita mo ang mukha ng mahal mo. Tsaka pareho kayong fresh ang mukha sa araw.” - Alwyn, 28
“Sa gabi... Mas romantic kasi sa gabi. Para sa akin mas randam namin ang pagmamahal ng isa’t isa sa dilim.. Kasi pag madilim walang limitations. Walang hiyaan. Mas maibibigay mo ang lahat.” - Carlo, 24
“Kahit alin sa dalawa... Kasi kung tunay kayong nagmamahalan bakit kailangan n’yo pang pumili kung araw o gabi na mas masarap mag-make love kahit anong oras. Anytime of the day dapat yan. Depende sa pangangailangan iyan ng inyong partner at love of your life. Hehehe.” - Benj, 38
“Sa gabi siyempre. Kasi kumbaga iyon ‘yung pambawi ninyo sa buong araw na pagod sa trabaho. Mas madali ka ring makatulog kapag ganun. Hindi mo na kailangang magpaantok.” - Efren, 26
“Importante pa ba yun? Kung komportable na kayo sa isa’t isa ng inyong misis hindi na yun importante... Ang mahalaga nandoon yung pagmamahalan ninyo. Doon makikita kung mature na rin kayo kasi hindi na kayo nako-conscious.” - Nathan, 33