Nobya ayaw alagaan ang ‘biyenan’

Dear Vanezza,

Twenty nine years old na ako samantalang 40 years old na ang BF ko. Ang problema ay hindi niya maiwanan ang kanyang tatay na 80 years old.  Gusto na niyang magpakasal na kami para mayroon siyang kasama sa pag-aalaga ng tatay niyang may alzheimer. Gusto ko ng ikasal, pero mahina ang loob ko sa pag-aalaga sa may sakit. Paano ko ba tatanggihan ang alok ng BF ko. Samantalang ayaw kong mag-alaga ng tatay niya. – Nimfa

Dear Nimfa,

Tapatin mo ang iyong BF sa iyong nararamdaman. Puwede naman kayong kumuha ng ibang mag-aalaga kung yun lang ang iyong problema. Sadyang may mga taong mahina ang loob sa pag-aalaga ng may sakit na tiyak na maiintindihan ng iyong nobyo.

Sumasainyo,

Vanezza

Show comments