Dekada nang ginagamit ang ketogenic diet o keto diet bilang treatment sa epilepsy at ine-explore pa kung san ito pupuwede.
Sa diet na ito, binabawasan ang carbohydrate intake at dinadagdagan ang fat intake na kontra sa alam nating pagda-diet ngunit sa diet na ito, nabu-burn ang fat bilang fuel imbes na carbohydrates. Ang mga healthy fats na nakukuha sa avocados, coconuts, Brazil nuts, seeds, oily fish at olive oil ay idinadagdag sa diet para ma-maintain ang overall emphasis sa fat. Sa diet na ito, nabe-break down ang fat deposits bilang fuel at nililikha ang substance na ketones sa pamamagitan ng prosesong tinatawag na ketosis.
Nangyayari ito kapag ang katawan ay nagiging epektibo sa pagbu-burn ng fat para sa energy. Ginagawa rin nitong jetones ang fat sa liver na magsu-supply ng sa brain.
Ang diet ay may risk kabilang ang ketoacidosis sa mga taong may type 1 diabetes at maaaring magresulta ng diabetic coma at kamatayan.
Sa mahigit 20 studies, nakatutulong ang keto diet sa weight loss at sa health improvement. Nakakatulong din ito sa diabetes, cancer, at Alzheimer’s disease.