Ang romance ay isa sa foundation sa marriage, na siguraduhing ang relasyon ay mainit at secure palagi. Hindi pa rin dapat nawawala ang pagsasabi ng “I love you” upang paalalahanan sina mister at misis sa kanilang commitment.
Ang nakalulungkot, pagkatapos ng maraming taon ng pagsisilbi sa pamilya sa pamamagitan ng gawaing bahay gaya ng paghuhugas ng pinggan, laundry, paghahatid sa school ang mga bata, paglilinis, at pagtataguyod sa mag-anak ay walang naririnig si wifey o hubby ng thank you mula sa asawa.
Ang bawat partner ay kailangan ay may bahagi bilang kontribusyon sa kanilang relasyon na pinahalagahan din dapat ng lalaki o babae. Ang pagpapakita ng maliit na love hanggang maaari sa pagiging consistent na gestures ng kindness, praise, at appreciation ay nagpapahilom ng mga sugat sa nakaraan.
Pero sa kawalan ng pagmamalasakit sa asawa ay napapagod din ang partner na nauuwi sa bangayan at trash-talk ang ginagawa ng mag-asawa na hindi namamalayan ay nawawala na ang respeto sa isa’t isa. Unti-unti na rin mawawala ang connection na nauuwi sa pagpipintas at paghahanap ng mali sa asawa.
Huwag hayaang lumalala ang signs ng red flag na pagsisimulan ng pag-aaway at paghihiwalay ng dalawa.
Ang simpleng pagpapahalaga sa asawa, sa paghahagod, haplos, pagtutulungan, at pag-uusap ay patuloy na pampagana sa love at harmony nina mister at misis.