Madalas maringgan si nanay na sabihin na kumain ng kalabasa para luminaw ang mga mata. Akala ng mga bata kuwentong kutsero lang ang bilin ni nanay.
Ngayon ay pinapayuhan naman ang lahat na kumain ng carrots upang maprotektahan ang vision ng mga mata. Dahil ito ay nagbibigay ng B-carotene bilang isang makapangyarihang antioxidant. Sa pagkain ng carrots ito ay nako-convert sa vitamin A na kasama sa category mula sa mga plant-base pigments na tinatawag na carotenoids. Gaya ng caretenoids, B-carotene ay potent antioxidant na instrument upang bumaba ang oxidative stress upang maprotektahan ang vision. Ang mga mata pa naman ay sensitive at susceptible sa oxidative damage.
Ang a-carotene ay nakukuha sa saging at lycopene naman mula sa kamatis, samantalang ang B-carotene naman ay mula nga sa carrots na lahat ay malaki ang pakinabang sa mga mata na partikular sa retinal pigment epithelium at choroid. Ito rin ay antioxidant para sa muscles na panlaban sa mga free radicals. Hindi nakapagtataka na rekomendado ang B-carotene dahil ayon sa research, ito ay upang ma-improve ang vision na inuugnay rin na nagpapababa ng risk age-realated degeneration.
Maliban sa carrots at kalabasa mayroon pang ibang orange fruits at maberdeng gulay na mayaman sa B-carotene na makatutulong upang maging malinaw ang ating paningin gaya ng patatas, mangga, papaya, melon, spinach, kale, mala-orange na peppers, at iba pa.