Magkaribal ang kambal

Dear Vanezza,

May kakambal ako na siyang nagpapaaral sa akin, dahil nagparaya si utol. Ang problema ay type niya ang classmate ko na gusto kong pormahan.  Ngayon lang ako tinamaan sa isang babae, pero paano ko ba matatanggihan ang kakambal ko? – Mark

Dear Mark,

Mag-usap kayo ni kambal mo, hindi porke’t siya ang nagpapaaral ay puwede na niyang arborin ang type mong bebot. Dapat may the best man wins. Kung sino ang gusto ng liligawan ninyo. Baka naman hindi alam ng kakambal mo na type mo ang babae, baka sakaling siya naman ang magparaya.

Sumasainyo,

Vanezza

Show comments