Nagsagawa ng mahigpit na aksyon noon ang Dutch government para mabawasan ang krimen sa Netherlands.
Maganda ang naging resulta nito at dumating pa sa puntong nagsasara na ang kanilang piitan. Mula 2009 ay nasa 19 kulungan na ang naisara dahil sa kawalan nga ng preso.
Isa pang patunay na magandang example na bansa ng Netherlands ay ang kawalan ng abandonadong aso sa nasabing bansa – kamakailan lang ay nakumpirma na walang aso at pusang kalye sa The Netherlands. Nagawa ito ng gobyerno ng nasabing bansa nang walang sinasaktang mga hayop.
Ang Netherlands ang unang bansa na nagkaroon ng solar powered bike lane – tinawag na SolaRoad ang nasabing proyekto at naging posible ito dahil sa pakikipagtulungan ng gobyerno, private sector, at pati na mismo ng mga mamamayan ng The Netherlands.
Dahil sa project na ito, maiilawan na ang mga kalye at matsa-charge na rin ang mga electric vehicle.