Mahirap talagang magbiyahe lalo na ngayong tag-ulan. Malaki ang challenge sa pagko-commute. Narito ang iba pang dapat tandaan kapag umuulan.
Mag-ingat sa madulas na daan -Tingnang maigi ang dinadaanan. Mahirap na kapag nadulas ka. Lalo na kapag puti ang damit mo. Huwag magsusuot ng puting pants o pang-ibaba kapag umuulan. Laging humawak sa railings sa hagdan o kapag naglalakad. Importanteng hindi madulas ang suot na sapatos. Madulas na daan plus madulas na sapatos…positive ‘yan. Baka mabalian ka pa ‘pag nadulas kang bata ka.
Umiwas sa rush hour - Napakahirap sa commuter kapag inabot ka ng rush hour. Challege talaga bago ka makasakay. Kaya iwasan ang rush hour, umalis ng maaga o palipasin muna ang rush hour.
Ekstrang damit - Laging magbaon ng extrang damit. Iwanan sa locker para may pagbibihisan ka kapag nabasa ng ulan. Idamay na rin ang extra shoes para may magamit kapag nabasa ang sapatos. Puwedeng magkasakit kapag natuyuan ng suot na damit. Dapat may pang-change costume ka lagi.
Maging updated sa panahon - Makibalita sa TV, radio, at social media. Pagsinabing walang pasok, huwag pumasok. Huwag nang umalis ng bahay dahil baka abutan pa ng baha kung saan. Ika nga, it’s better to be safe than sorry.