Hayop na nagme-menopause

• Ilegal sa Alaska ang magbulungan habang sila ay nagmo-moose hunting.

• Ang tanging hayop na nagme-menopause ay ang humpback whale at elepante.

• Ang paniki ang nag-iisang mammal na nakalilipad.

• Ang Irish deer ang pa­ngalawang pinakama­laking deer na nabuhay sa mundo. Tuluyan na itong naging extinct, na ang ibig sabihin ay nawala sa mundo 7,700 taon na ang nakararaan.

• Sa tuwing natutulog ang mga dolphin, kalahati ng katawan nito ang gi­sing para mapanatili ang kanilang paghinga at hindi sila malunod.

• Mas gustong mapag-isa ng mga orangutan kesa makahalubilo sa iba.

• May arsenic na taglay ang buto ng mansanas at peras na nakamamatay sa mga aso.

• Pinaniniwalaang ga­wa sa ivory ng elepante ang ngipin ni George Washington.

• Tinatayang 8,000 pounds ang bigat ng pina­kamalaking pusit na natagpuan.

• Nasa 210 ang klase ng kambing na matatagpuan sa buong mundo.

• Walang ngipin ang mga anteaters.

• Ailurophobia ang tawag sa matinding takot sa pusa.

• Dalawang taon kung magbuntis ang mga ele­pante.

• Ang killer whales ay hindi isang klase ng bal­yena, sa halip, ito ay klase ng dolphin.

Show comments