Malakas ang kutob ni Kuya

Dear Vanezza,

Limang taon nang balo si mama mula nang mawala si papa. May BF siya ngayon na kaopisina niya. Pero malakas ang kutob ko na nagpapakitang tao lamang ito sa kanya. Hindi ko pa napapatunayan pero iba ang pakiramdam ko. Gusto kong maging happy muli si mama, pero paano kung tama ang hinala ko? – Lee

Dear Lee,

Sabihin mo sa iyong mama ang iyong nararamdaman. Dahil madalas tama ang instinct ng mga anak, lalo na ang mga anak na lalaki. Maaaring sobrang masaya lamang si mama, kaya hindi niya makita ang hinala mo. Pero bigyan mo pa rin ng benefit of the doubt ang BF ng mama mo.

Sumasainyo,

Vanezza

Show comments