Kung paano ini-implement sa school ang healthy diet para sa mga estudyante, dapat magsimula rin ito sa mga tahanan.
Kung wala nga namang junk food sa loob ng bahay, hindi ito magreresulta na laging feeling gutom ang mga bata. Kaya dapat ipagbawal din ang mga processed na pagkain mula hotdog, burgers, at mga hindi healthy na juices. Dapat suportahan ng bawat tahanan ang magandang adhikain ng mga eskuwelahan sa pagbibigay ng effort ng mga magulang. Sa bahay ay kailangang walang access din sa mga pinagbabawal na pagkain ng school management. Gaya ng pagkain ng mga instant noodle, softdrinks, at sobrang matatamis na tinapay.
Importante na sumunod ang mga magulang sa patakaran ng schools dahil madalas na sosobrahan ang pagkain ng mga bata ng mga hindi healthy kahit nasa loob ng bahay.