Kung desidedo na sa online business na iniisip ay dapat maging simple, mabilis, at maging madali lang para sa mga consumers. Iwasan na malito at madismaya ang inyong customer kahit pa multiple step ang proseso na hindi kailangang gawing komplikado ang information.
Gawing simple ang lahat ng items kapag nag-check o nag-log in ang inyong buyers sa pag-purchase ng inyong produkto sa kanilang online na transaction. Matatandaan ang Amazon ang unang kompanya ang nangahas na sumabak sa online business na naging model pagdating sa kasimplehan ng kanilang pag-market na naging patok sa mga customers.
Kadalasan mas mabaha ang viewing at pag-click sa proseso ng consumer mas nagkakaroon ng pagkabagot at pag-aalala na magbago ng kanilang isipan sa pag-purchase sana ng mga items. Kung mapapansin easy click na ngayon, wala nang blah blah na halos wala lang hinihinging registration sa pag-purchase ng items, may option lang ang customer na mag-fill up. Lahat ay ginagawa nang user-friendly ang transaction sa mabilis na purchase kaya wala na rin alinlangan ang buyers. Click and check na lang ang process na siguradong mas marami nga namang mabibighani na mag-purchase sa online world na business.