Split-second na Pagdedesisyon

Tag-ulan na pero marami pa rin nagiging biktima ng sunog. Ang National Fire Protection Association ay tinatayang ang fire department ay rumusponde sa sunog sa halos 366,600 residente sa pagitan ng 2007 at 2011.

Noong 2010 halos 2,640 tao ang naapektuhan ng sunog at 13, 350 ang sugatan, hindi pa kasali ang bumbero. Kapag nasusunog ang bahay ay wala ng oras na makapag-isip kung ano ang gagawin dahil sa apoy at usok na nalalanghap.

Ang survival ay naka-depende sa split-second na pagdedesisyon, epektibong precaution, at escape plan na dapat ay alam nang lahat kung saan tatakbo palabas.

Nirerekomenda na magkaroon ng multi-purpose na fire extinguishers na sapat ang laki para maapula ang maliit na sunog. Pero hindi dapat mabigat upang hindi mahirapan buhatin. Gumamit ng portable fire extinguisher kung mayroong maliit na sunog sa isang area para mapigilang kumalat ang apoy at mawala ang usok. Ang bawat building ay kailangan mayroong fire extinguisher.

Sa pag-operate ng fire extinguisher tandaan ang salitang PASS:

Pull the pin. Hawakan ang extinguisher sa nozzle pointing malayo sa iyo, saka i-release ang licking mechanism.

Aim low. Ituro ang direksiyon ng extinguisher sa base o sa ibaba ng apoy.   

Squeeze o pisilin ang lever dahan-dahan.

Sweep o inguso ang gripo pawalis ang direksiyon sa magkabilang dulo ng apoy.

Show comments