Ang pagiging tapat ay laging nagbibigay ng positibong feedback sa paligid. Kung nakikita ng mga empleyado na nanatiling honest ang kanilang mga superiors sa mga customers, natututunan din ito ng mga tao sa kompanya.
Ang pagkakaroon ng tapat na serbisyo ay nakikita sa environment mula sa mga bossing, supervisors, at kasunod dito kahit sa huling empleyado.
Dahil pina-practice rin ng mga staff ang pagiging tapat sa bawat isa na transparent din sa inyong business at dealing nito sa mga tumatangkilik ng produkto.
Ang honesty ay sinusuklian din ng trust. Kung honest sa mga kustomer, agad ay nagkakaroon ng magandang relasyon at tiwala sa mga tao.
Kung naa-appreciate ng mga buyers ang business ay sinasabi nila at panay ang post sa kanilang social media. Ang rapport na na-establish sa customer ay nagbibigay seguridad ng maganda future na relasyon sa negosyo.
Dahil laging bumabalik ang mga customers sa pinagkakatiwalaan nilang negosyo. Alam ng mga customers na hindi sila dadayain na basta na lamang kumita.