Ang pinakamahirap bawasan ng taba sa ating katawan ay ang pagkakaroon ng malaking tiyan. Maraming impluwensiya ng belly fat kasama na ang stress na pinakamalaking factor. Ang exercise ay hindi lamang sapat para ma-burn ang belly fat. Kundi ganundin ang ibang kinakain na mas nagpapalaki at nagpapalapad ng ating katawan. Bago magpakasawa mayroong mga pagkain na dapat iwasan. Tulad ng soda na hindi lang healthy, kundi mabilis itong magpalaki ng tiyan. Dessert na paboritong kainin ay may maraming calories dahil sa sugar content na nagreresulta ng weight gain. Sa halip ay kumain na lamang ng healthy na prutas. Pinakamalala sa lahat ang fast food gaya ng burger, shakes, at fries na hindi rin healthy, kundi nagkakaroon ng masamang epekto sa kalusugan. Potato chips na paboritong snack na mataas ang salt at cholesterol na sakit sa puso naman ang makukuha.
Tandaan na nakasalalay ang pagbabawas ng timbang sa 75% na diet at 25 % naman ang ehersisyo. Lahat ng kinakain ay dapat in moderate upang mabawasan ang taba sa ating mga tiyan.