Magic ng Broccoli

Kadalasang nababalewala ang broccoli na itinuturing na kasama sa super food. Ang broccoli ay kabilang sa brassica family vegtables gaya ng cabbage, cauliflower, at ibang maberdeng gulay. Hindi dapat tanggihang kainin ang broccoli na puwedeng i-steam, igisa, at kahit roasted  na masustansiya na hindi lang panahog sa lutong ulam kundi maaari ring gawing salad.

Ang isang cup ng broccoli ay nakakuha na ng 3 grams ng fiber na maganda sa digestive health, appetite management, heart health, glycemic control, gut health, at marami pa.

Ang broccoli ay loaded ng vitamins, mineral, vitamin K, vitamin C, folate, pantothenic acid, potassium, iron, at iba pa.

Ang broccoli ay inuugnay rin na pampababa ng risk sa cancer, sakit sa puso, at pang-improve sa eye health. Ang broccoli ay health-boosting compounds na maganda sa overall healthy diet.

Show comments