Gustong manligaw, pero ‘di pa tuli
Dear Vanezza,
Sa edad kong 20 years old nakakahiya mang sabihin, pero hindi pa ako tuli. Maaga kaming naulila sa magulang. Kung saan-saan ako napatirang kamag-anak kaya ngayon ay hanggang ligaw-tingin lang ako. Gusto ko nang manligaw, pero dyahe ako baka mabuking na hindi pa ako tuli. Kahit alam kong type niya rin ako. Nahihiya akong pumila sa operation tuli kahit libre dahil ako ang pinakamatanda. Ano ba ang gagawin ko? – Marc
Dear Marc,
May karapatan kang manligaw dahil binata ka na. Pero unahin mo munang magpatuli. Lakasan mo ang loob mo, huwag intindihin ang sasabihin ng iba. Ang importante ay matupad ang gusto mong makapagpatuli para hindi ka mahiyang manligaw. Samantalahin habang summer at bakasyon para may oras ka pa..
Sumasaiyo,
Vanezza
- Latest