Dear Vanezza,
Gustung-gusto ko ang classmate ko at madalas kaming magkasama. Madalas ko siyang makaharutan. Pero ang tingin ng mga kaibigan ko ay berde ang dugo nito. Kapag nagkakatinginan kami ay bigla na lang siyang tumatawa. Siya lang ang lalaking pinapangarap ko at hinihintay ko lang na magtapat siya sa akin. Pero pumupusta ang mga classmates ko na hindi ako ang type niya. Tama ba sila? - Pam
Dear Pam,
Ituloy mo lang ang maganda ninyong samahan at huwag munang bigyan ng kahulugan ang kanyang mga ginagawa. Mahirap umasa, hindi mo sure kung pareho ba kayo ng nararamdaman. Hayaan mo lang na kusang madebelop ang feelings niya sa’yo. Kung gusto ka niya, liligawan ka niya o baka tama nga ang mga classmates mo.
Sumasaiyo,
Vanezza