Karaniwang problema sa buhok

Nauna nang naisulat sa kolum na ito ang iba’t ibang paraan kung papaano mapapanatiling healthy ang ating buhok sa kabila ng pagbababad sa matin­ding sikat ng araw.

Ganun pa man, lahat tayo ay may kani-kanyang problema sa buhok dahil iba-iba naman ang hair type ng bawat isa.

Narito ang nangungunang problema sa ating buhok at kung papaano ito masosolusyunan:

Dry Hair – Pagha­lu-haluin ang apat na kutsara ng honey at 6 na kutsara ng olive oil. Ilagay ito sa buhok ng 15-30minuto pagkatapos balutan ng plastic. Pagkatapos ay mag-shampoo at mag-conditioner. Pwede itong gawin ng dalawa hanggang tatlong beses kada linggo.

Brittle Hair (buhok na madaling maputol at buhul-buhol) – Ihalo ang dalawang kutsarang honey sa kalahating tasa ng gatas. Ihalo ito ng mabuti at ilagay sa buhok ng isang oras. Pagkatapos ay hugasan gamit ang inyong pang-araw-araw na shampoo.

Split Ends – Hindi agad eepekto ang procedure na ito lalo na kung hindi ginamitan ng tamang paghahalo. Paghalu-haluin lang ang dalawang kutsarang honey, isang kutsaritang almond oil (kung may allergy sa mani ay pwedeng gumamit ng coconut oil), at kalahating saging. Pagkatapos ay imasahe ito sa buhok at ibabad ng 20 minuto. Banlawan at agad mapapansin ang kakaibang tibay ng inyong buhok.       

Show comments